Home NATIONWIDE Pulong ng PSAC Digital Infrastructure Group pangungunahan ni PBBM

Pulong ng PSAC Digital Infrastructure Group pangungunahan ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang pangunahan ngayong hapon, araw ng Martes, Noyembre 3 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpupulong ng PSAC Digital Infrastructure Group.

Layon nito na makita ng Pangulo na ang bagong Pilipino, laging konektado, mapa-estudyante, guro at mga pamilya sa malalayong lugar pagdating sa internet connectivity sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na tatalakayin sa nasabing meeting ang mga hakbang para pagandahin pa ang internet connectivity sa bansa na siya namang makakatulong sa edukasyon ng kabataan at nagpapasigla sa ating ekonomiya.

“Ngayon ay hindi na lang luho ang internet connection para sa mga estudyante bagkus ay isang essential tool na ginagamit sa pag-aaral. Ganoon din para sa mga negosyo, mas maraming oportunidad kapag mas reliable ang connection; mas mabilis ang asenso kapag konektado,” anito.

Kasama rin aniya sa mga tatalakayin sa nasabing meeting ang pagpapalakas sa digital services at cybersecurity ng bansa at iba pang mga paksa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here