Home NATIONWIDE Mag-amang tumatawid nasagasaan, tatay patay

Mag-amang tumatawid nasagasaan, tatay patay

273
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang masagasaan habang inoobserbahan naman ang kanyang 10- anyos na anak habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report, kapwa isinugod sa Southern Tagalog Regional Hospital ang mag-amang alyas Gil, 40 at anak nitong si alyas Ken, 10, residente ng Brgy Habay 1, ng nasabing lungsod.

Hindi sinwerteng nakaligtas ang ama at namatay habang ginagamot sa nasabing pagamutan.

Dinala sa Binakayan Medical Center ang driver ng isang motorsiklong Suzuki GSX150 na may plakang 566NTJ na si alyas Rodrigo, 73, dahil din sa tinamong sugat sa katawan.

Batay sa imbestigasyon Sa ulat, bandang alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang nabangga nito ang mag-ama na noon ay tumatawid. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here