Home NATIONWIDE Higit 10K indibidwal sa Maynila, sapilitang inilikas sa Bagyong Uwan

Higit 10K indibidwal sa Maynila, sapilitang inilikas sa Bagyong Uwan

319
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit 10,800 indibidwal o may katumbas na 3,375 pamilya ang iniulat na naapektuhan ng bagyong Uwan na kinailangang sapilitang mailikas sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa ulat ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, bagama’t amdami ang kinailangang ilikas ng puwersahan, nagpapasalamat naman siya sa Diyos dahil wala isa man anyang naiulat na nasawi.

Binigyang pagkilala din ni Domagoso ang mabilis na aksyon at pagkilos, kasabay ng kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Uwan, nina Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles sa agarang paglilikas at pangangalaga sa mga pamilyang naninirahan sa mga delikadong lugar Linggo pa lang ng umaga.

Ayon kay Domagoso, maaga pa lamang ay iniutos na nito ang force evacuation kaya’t nagging matagumpay ang ginawang paglilikas ng mga naniniahan sa ilang mga lugar na naapektuhan ng nasbaing bagyo na ang karamihan ay malapit sa baybaying dagat.

Batay sa ulat, pinabuksan ng alkalde ang 27 sa kabuang 36 na evacuation centers sa Maynila na matutuluyang pansamantala ng mga apektadong pamilya sa 27 barangay sa kapitolyo ng bansa.

Batay sa isinumiteng ulat ni Dir. Dela Fuente, hanggang Lunes ng umaga ay nasa 806 pang pamilya o 2,522 katao ang nananatili sa Delpan Sports Complex na hinahandugan ng mainit na pagkain ng MDSW habang 1,331 pang pamilya o 3,966 katao sa Baseco ang nasa H.J. Atienza Elementary School evacuation center.

Umaasa ang alkalde na makakauwi na sa kani-kanilang mga tirahan ang mga bakwit hanggang araw ng Martes, kapag tuluyan ng nagpakita ang Haring araw at magandang panahon. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here