MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Northern Samar provincial government na zero casualty ang probinsya kasunod ng pananalasa ng Bagyong Uwan na nagdala ng halos 18 oras na malalakas na hangin at ulan nitong weekend.
Kinumpirma ng lahat ng local government unit sa Northern Samar na walang nasawi bagamat nag-iwan ang bagyo ng malawakang pinsala, batay sa report ng Northern Samar Emergency Operations Center nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 9.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nakatulong ang pre-emptive evacuation para sa 45,706 indibidwal bago pa lamang mag-landfall ang Bagyong Uwan.
“As the typhoon moves away from our province, we are grateful that no lives were lost. We stand in solidarity and prayer for the rest of the country that may still face the impact of Super Typhoon Uwan,” saad sa pahayag ni Northern Samar PDRRMO chief Rei Josiah Echano nitong Lunes
Pinuri naman ni Echano ang partisipasyon ng local DRRM officers, local governments, at iba pang stakeholders sa kanilang maagap na koordinasyon at pagtutulong-tulong sa emergency operations. RNT/JGC