Home NATIONWIDE PBBM nag-alay ng misa sa mga naapektuhan ng Bagyong Uwan at mga...

PBBM nag-alay ng misa sa mga naapektuhan ng Bagyong Uwan at mga dating bagyo

385
0

MANILA, Philippines – NAG-ALAY ng misa sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos para sa mga naapektuhan ng ng bagyong Uwan at mga dating bagyo.

Sa kanyang social media page, pinost ng Unang Ginang ang kanyang mga larawan kasama ang Pangulo, maging ng Unang Ginang Imelda Marcos at presidential sister Irene Marcos, mga dumalo sa misa sa chapel sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Linggo.

”Sunday Mass with special intentions for all the families affected by the recent typhoons,”ayon kay Unang Ginang Liza.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na maging alerto sa epekto ng bagyong Uwan, na nauna nang kinategorya bilang super typhoon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here