Home NATIONWIDE P1B ayuda sa magsasaka, mangingisdang hagip nina Uwan at Tino, inihanda ng...

P1B ayuda sa magsasaka, mangingisdang hagip nina Uwan at Tino, inihanda ng DA

308
0

MANILA, Philippines – Naghanda ang Department of Agriculture (DA) ng ₱1 bilyon na tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan at Typhoon Tino.

₱500 milyon dito ay nakalaan para sa mga lugar na pinaka-apektado ng Uwan sa Gitnang at Hilagang Luzon.

Kasama sa tulong ang farm inputs tulad ng palay, mais, at high-value crop seedlings; feeds para sa livestock at poultry; at fingerlings para sa mga mangingisda.

May ₱25,000 na loanable amount rin sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan at indemnification programs, na babayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interes.

Patuloy pa ring sinusuri ng DA ang pinsala sa agrikultura, at hindi pa kabilang sa nasabing pondo ang indemnification para sa mga insured na magsasaka sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here