Home NATIONWIDE Pambansang Muziklaban 2025, umarangkada na; aplikasyon binuksan

Pambansang Muziklaban 2025, umarangkada na; aplikasyon binuksan

358
0

Simula na ang laban!

Binuksan na ang pagpaparehistro para sa Red Horse Beer Pambansang Muziklaban 2025, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na banda na ipakita ang kanilang talento at makipagsabayan para sa pambansang titulo.

Sa loob ng higit dalawang dekada, naging launchpad ng ilang kilalang banda tulad ng Mayonnaise, Grand Champion noong 2004.

Inanyayahan ang mga bagong banda na magparehistro online sa https://tinyurl.com/PML2025BandRegistration
at magpakitang-gilas sa orihinal na kanta na may mahusay na pagganap at pagtutulungan.

Ayon sa mga nakaraang kampeon, Daks Not Dead at Interstate, mahalaga ang “focused songwriting, tight execution, and presence that connects.”

Itinutok ng Muziklaban 2025 ang pansin sa orihinal na musika, maayos na pagtatanghal, at teamwork sa iba’t ibang yugto—mula online screening, live eliminations, hanggang sa Grand Finals.

Ang mga mananalo ay makakatanggap ng premyo, oportunidad sa pagtatanghal, at mapapasama sa roster ng mga kampeon ng Muziklaban. Para sa opisyal na updates, sundan ang Red Horse Beer Pambansang Muziklaban Facebook page. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here