Home NATIONWIDE Laban kontra flu-like illnesses paiigtingin ng QC LGU

Laban kontra flu-like illnesses paiigtingin ng QC LGU

272
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Quezon City government na pinaigting nito ang kampanya kontra Flu Like Illnesses (FLI) bunsod ng mga kaso ng naturang sakit sa lungsod.

Sinabi ni Jovit Junio, disease surveillance officer ng City Epidemiology and Surveilance Division ng QC Health na ang naturang hakbang ay dahil tumaas ang kaso ng ILI sa Quezon City.

Sa ginanap na QC Journalist Forum nitong Martes, Nobyembre 11, nabatid sa tala ng QCESD, nitong November 7 ay nagtala sila ng 2,606 na kaso ng ILI, mas mataas ito ng 87 percent o nasa 1,394 ILI cases sa kaparehong period ng 2024.

Kaugnay nito, ang mga school age children mula 14 years old pababa aniya o nasa 1,637 bilang ang nagkakaso ng ILI.

Dahil sa tumaas ang kaso ng ILI sa ngayon, pinaigting nila ang surveillance sa mga barangay health centers para malaman ang gagawin oras na may mga may sakit na magtungo dito.

Ang Batasan at Commonwealth area ang may pinakamataas ng kaso ng ILI.

Sinabi ni Dr. Nestor Dumagas, focal person for Communicable Disease ng Department of Education- QC na taunang tumataas ang kaso ng ILI mula August hanggang October at kapag maulan dahil mas madaming indoor activities ng mga bata at overcrowding.

Ang ILI aniya ay mula sa paghawak sa maruming bagay at droplets na ugat ng hawaan lalo na kung overcrowded ang lugar tulad ng mga silid aralan na maraming bilang ng mag-aaral.

Samantala, ang panawagan ni Domagas sa publiko na oras na makaramdam ng sintomas ng ILI tuad ng 38 degrees na lagnat na may ubo, at sore throat ay agad na komunsulta sa doctor o sa health center para makatiyak na maaagapan malunasan ang sakit.

Huwag na aniyang pumasok kung may lagnat sa loob ng 24 oras. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here