MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 643 silid-aralan sa Eastern Visayas ang nagtamo ng mga pinsala sa pananalasa ng Bagyong Uwan.
Sa report ng Department of Education (DepEd) regional office, nakapagtala ang ahensya ng 106 totally damaged classrooms, 93 “major damaged classrooms” at 444 “minor damaged classrooms” sa pampublikong paaralan sa rehiyon.
Kabilang sa mga pinakanapuruhang dibisyon ay sa Samar na may 166 damaged classrooms, Borongan City (140), at Maasin City (206), kung saan nagpapatuloy ang clearing at clean-up operations.
Iniulat naman ng Calbayog City division ang 72 destroyed at damaged classrooms; Catbalogan city division (30) at Tacloban city division (seven).
Wala pang naipapasang damage report ang Northern Samar, na isa sa mga school division na napuruhan din sa Bagyong Uwan.
Ayon kay DepEd Regional Director Ronelo Al Firmo, sinimula na ng division at school disaster risk reduction and management (DRRM) coordinators ang initiated rapid assessments upang matukoy ang lawak ng pinsala at matukoy ang agarang pangangailangan.
“We are validating field data to support requests for assistance and ensure the safety of our learners and personnel,” saad sa report. RNT/JGC