Home ENTERTAINMENT Dingdong, nag-MRT, inokray ang aura!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dingdong, nag-MRT, inokray ang aura!November 11, 2025 15:492330 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sumakay ng MRT si Dingdong Dantes. Pero hindi dahil nagmamadali siya at gusto niya lang umiwas sa traffic.May ginagawa kasi siyang documentary special at part ‘yun ng kanyang social experiment.Siyempre pa, pinagkaguluhan ang aktor. Maraming nagpa-picture sa kanya at kinunan pa siya habang sakay ng MRT.Kanya-kanyang post naman ang mga netizen sa kani-kanilang YouTube at TikTok account.Nakita nga namin ‘yung isang video ni Dingdong na nakatayo sa MRT at pangiti-ngiti pa.Hati ang nabasa naming reaksyon sa mga nakakita kay Dingdong sa personal.‘Yung iba ay nagagwapuhan sa kanya. ‘Yung iba naman ay hindi.May isa ngang nag-comment ng, “bakit mukhang stress si Dingdong?”Sabi naman ng isa pa, “mukhang hindi pa bumababa amats ni Dingdong.”“Bakit parang dilat ang mata niya? Wala pa ba siyang tulog?” reaksyon naman ng isa pa.Pero in fairness kay Dingdong, gwapo naman talaga siya.Siguro, that time ay pagod siya kaya haggard looking siya. Rommel Placente