Home NATIONWIDE Repatriation ng mga OFW sa Myanmar scam hubs, pinatututukan ni PBBM

Repatriation ng mga OFW sa Myanmar scam hubs, pinatututukan ni PBBM

346
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na iprayoridad ang repatriation ng mga nailigtas na Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng human trafficking at puwersahang pinagtrabaho sa scam hubs sa Myanmar.

“Mga na-rescue na OFW mula iba’t-ibang scam hubs sa Myanmar, papauwi na ng Pilipinas. Ito’y ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang pagbabalik-bansa ng mga OFW maging ang kanilang health and welfare pagdating nila sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Sinabi ni Castro na ang naging kautusan ni Pangulong Marcos na i-repatriate ang mga nailigtas na OFWs ay bahagi ng whole-of-government approach, susi sa matagumpay na repatriation efforts ng administrasyon.

Tinuran ni Castro na iniulat ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac na may 346 OFWs ang naka-iskedyul na magbalik-Pilipinas sa November 12 via isang chartered flight mula Bangkok, Thailand.

Sinasabing iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at DMW ang magwe-welcome sa mga OFWs upang tiyakin ang kanilang kalusugan at kapakanan.

Nauna rito, sinabi ng DFA na ipagpapatuloy nito ang pagmo-monitor sa situwasyon sa Myawaddy, Myanmar –sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Yangon – kasunod ng operasyon na isinagawa ng law enforcement authorities sa scam hub compounds noong October 20, 2025.

Winika ng DFA na nakatanggap ang Philippine Embassy ng mahigit sa 220 active requests para sa repatriation assistance mula mga filipino sa scam hub areas.

“The Philippine Embassy is working with Myanmar authorities to finalize the deportation procedures for OFWs in holding camps and to facilitate the rescue of those who remain in scam hub compounds,” ang sinabi ng DFA sa isang kalatas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here