Home NATIONWIDE DTI naglabas ng opisyal na 2025 Noche Buena Price Guide

DTI naglabas ng opisyal na 2025 Noche Buena Price Guide

469
0

MANILA, Philippines — Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang opisyal nitong 2025 Noche Buena Price Guide upang tulungan ang mga mamimili sa pagpaplano ng kanilang mga handa sa darating na Kapaskuhan.

Layunin ng gabay na ito na bigyan ng malinaw na batayan sa presyo ng mga pangunahing produktong pang-Noche Buena upang maiwasan ang labis na paggastos at maprotektahan laban sa overpricing.

Kabilang sa listahan ang mga karaniwang sangkap sa handaan gaya ng hamon, queso de bola, fruit cocktail, mayonnaise, pasta, spaghetti sauce, at iba pang holiday staples mula sa iba’t ibang brand.

Ilan sa mga pangunahing presyo sa 2025 Noche Buena Price Guide:

Hamon (manok o baboy): ₱170 – ₱945 depende sa uri at timbang

Fruit cocktail: ₱61.76 – ₱94.41

Keso at queso de bola: ₱16.50 – ₱470

Mayonnaise at sandwich spreads: ₱20.40 – ₱263.60

Spaghetti at pasta: ₱24 – ₱128.15

Spaghetti at tomato sauce: ₱16.75 – ₱108.25

All-purpose cream: ₱36 – ₱72

Nata de coco at kaong: ₱52.50 – ₱84

Ayon sa DTI, ang taunang price guide ay bahagi ng kanilang kampanya upang mapanatili ang tamang presyo at patas na kompetisyon sa mga tindahan, lalo na sa panahon ng mataas na demand ng holiday season.

Pinaalalahanan din ng DTI ang publiko na suriin muna ang price guide bago mamili at ihambing ang presyo ng mga produkto sa iba’t ibang tindahan upang makatipid.

Hinimok din ng ahensya ang mga mamimili na iulat ang anumang kaso ng overpricing, hoarding o profiteering sa mga lokal na opisina ng DTI o sa kanilang opisyal na online channels. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here