MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang lalaking wanted sa kasong carnapping matapos itong maaresto sa naganap na manhunt operation ng pulisya sa Malabon City.
Ang naaresto ay nakilala sa alyas na “Jose”, 29 at kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Person (MWP) ng Caloocan- PNP.
Si alyas Jose ay naaresto matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa kinaroroonan nito kaya’t isinagawa ang pagtugis dito hanggang sa maaresto.
Alas-3:50 ng hapon nang tuluyang mapasakamay ng mga operatiba ng Warrant Section ang akusado sa kahabaan ng Hasa-Hasa Street, Barangay Longos.
Maayos naman umanong sumama ang akusado matapos isilbi ng pulisya sa kanya ang warrant of arrest para sa paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Law.
Ang warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 122, ng Caloocan City noong November 3, 2025, na may inirekomendang piyansa na P300,000 para sa kanyang pansamantalang pagkaya.
Ang akusado ay pansamantalang nakalagak sa sa custodial facility unit ng Malabon Police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. Merly Duero