Home ENTERTAINMENT Ate Gay, ‘grumadweyt’ na sa chemo!

Ate Gay, ‘grumadweyt’ na sa chemo!

276
0

Manila, Philippines – Masayang gumradweyt na si Ate Gay–hindi sa eskuwela kundi sa kanyang chemotherapy.

Kinailangan kasing sumailalim sa iba’t ibang medical treatment ang standup comedian dahil sa kanyang Stage 4 cancer.

“Graduate na ako sa chemo!” masaya niyang ibinahagi sa Facebook.

Ang chemo ang dahilan daw ng kanyang pagduduwal at kawalan ng panlasa, na awa ng Diyos ay nanumbalik na.

May natitira na lang daw siyang immunotherapy na 12 sessions every 21 days.

Nagpapasalamat si Ate Gay sa patuloy na pagdarasal para sa kanyang paggaling: “Dahil sa inyo, lumalaban po ako!”

May netizen namang nagpaalala sa kanya na pairalin ang healthy lifestyle para hindi na mag-recur o bumalik ang kanyang karamdaman.

Matatandaang hindi ni-rule out ng oncologist ng komedyante na may posibilidad na maulit ito.

Thankfully, Ate Gay is receiving these medical treatments for free dahil sa taong may mabuting puso. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here