MANILA, Philippines – MULING pinagtibay ng Pilipinas at South Korea ang kanilang defense alliance kasunod ng naging pagbisita ni Maj. Gen. Shin Eun-bong, Personnel Command chief ng Republic of Korea Army (ROKA).
Sa isang kalatas, sinabi ni Philippine Army (PA) spokesperson Col. Louie Dema-ala na mainit na tinanggap ni PA vice commander Maj. Gen. Efren Morados si Shin sa naging pagbisita ng huli sa PA headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.
“During the engagement, both Army leaders reaffirmed their commitment to strengthening the long-standing defense alliance between the Philippines and the Republic of Korea, emphasizing continued cooperation in areas of personnel development, training exchanges and capacity building,” ayon kay Dema-ala.
Nagpahayag ng kanyang labis na pasasalamat si Morados sa patuloy na suporta ng ROKA para sa inisyatiba ng PA.
Binigyang diin ang kahalagahan ng pinalalim na bilateral defense relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea para tugunan ang ‘shared security challenges’ at i-promote ang regional stability,” ang dagdag na pahayag ni Dema-ala.
Matatandaang noong nakaraang buwan, nagpulong sina PA chief, Lt. Gen. Antonio Nafarrete, at ROKA chief of staff, Gen. Kim Gyu-Ha, sa Seoul para sa high-level talks na makapagpapatibay sa defense ties sa pagitan ng dalawang bansa. Kris Jose