Home NATIONWIDE Japan magtataas ng visa fee

Japan magtataas ng visa fee

362
0

MANILA, Philippines — Itataas ng pamahalaan ng Japan ang singil sa visa issuance fees simula fiscal year 2026, ang unang pagtaas ng bayad sa loob ng 48 taon, ayon sa mga opisyal na ulat nitong Miyerkules, Nobyembre 12.

Kasama sa repormang ito ang dagdag-bayad para sa mga dayuhang mag-a-apply ng pagbabago o pag-renew ng kanilang residence status, na isasama sa susunod na comprehensive economic measures ng bansa.

Ayon sa gobyerno ng Japan, ipatutupad ang bagong bayarin pagsapit ng Abril 2026.

Sa kasalukuyan, 3,000 yen (humigit-kumulang ₱1,100) ang singil sa single-entry visa o mas mababa kumpara sa US visa na nagkakahalaga ng USD185 (₱10,900 o 29,000 yen), UK visa na 127 pounds (₱9,500 o 26,000 yen), at EU visa na 90 euros (₱5,600 o 16,000 yen).

Itinaas umano ang singil dahil tumaas na rin ang gastos sa pagproseso ng mga visa, at isasaalang-alang ng Japan ang presyo ng ibang pangunahing bansa bilang batayan sa bagong rate.

Plano ng gobyerno na gamitin ang karagdagang kita mula sa visa fees upang pondohan ang mga hakbang laban sa overtourism, partikular sa mga lugar na labis na dinadagsa ng mga turista. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here