Bulacan – Arestado ang isang indibiduwal nang mahulihan ng baril at iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Malolos nitong gabi ng Nobyembre 11.
Sa ulat ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) Bulaca, kinilala ang suspek na si alyas “Long hair”, 45, may-asawa, residente ng Brgy. Santisima.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng nasabing yunit katuwang ang Malolos police station bandang 10:30 ng gabi sa naturang lugar.
Narekober sa suspek ang caliber 22 revolver na walang serial number na kargado ng limang bala, medium-sized plastic sachet na hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na tumimbang ng 4.70 gramo na may standard drug price P564, dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.6 gramo na halagang P10,880.00, dalawang timbangan at marked money.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng nasabing yunit ng pulisya. Dick Mirasol III