Manila, Philippines – Inasahan na ni Anjo Yllana na babanatan siya ni Cristy Fermin kaugnay ng “pang-aaway” nito kay Senate President Tito Sotto.
Nakapanayam ng PEP si Anjo para linawin nito ang pasabog ni Cristy na may utang ang komedyante kay Willie Revillame.
Ani Cristy, ang pagbabayad daw ni Anjo ng nasabing utang (walang binanggit na halaga) ang dapat inuuna nito sa halip na awayin ang senador.
Paglilinaw ni Cristy, siya nga raw ang nagsilbing tulay kay Willie para makautang si Anjo.
To begin with, inaanak ni Anjo ang isa sa mga anak ni Cristy.
Ganoon naman daw talaga ang kanilang relasyon mula’t sapul–away-bati.
Pero iginiit ni Anjo na nauunawaan daw niya ang pagtatanggol ng Kumareng Cristy kay Tito Sen.
Wala daw siyang sama ng loob dito, bagkus ay: “Mahal ko ‘yun!”
Totoo raw na may utang siya kay Willie na kilalang malapit kay Cristy.
Ito raw ‘yung mga panahong gipit siya tulad ng walong buwan daw na kawalan ng suweldo noong nagho-host pa siya sa Eat Bulaga.
Hindi man binanggit ni Anjo kung magkano ang utang niya’y hindi na raw ‘yon pinabayaran ni Willie sa kanya.
Or if Anjo had to pay, “pay when able” daw ang kasunduan nila: “Pag mayaman na mayaman na daw ako.
“Kaso, hanggang ngayon ganito pa din ako!”
Giit ni Anjo, his friendship with Willie goes a long way.
Kilalang matulungin daw ito sa kanyang mga kasamahan sa showbiz tulad ni Dolphy sa hospital bills nito, ang TV director na si Bert de Leon sa renta ng condo unit nito, etc.
In fairness, sa panayam sa kanya ng PEP ay hindi naringgan si Anjo ng panunumbat kay Cristy.
Nilinaw lang daw niya ang kuwento sa likod ng atrasong pinansyal niya kay Willie. Ronnie Carrasco III