Home NATIONWIDE P45M ayuda sa anim na LGU sa NegOcc na sinapul ng bagyo,...

P45M ayuda sa anim na LGU sa NegOcc na sinapul ng bagyo, aprubado ni PBBM

363
0

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang alokasyon ng P45 milyon para sa anim na local government units (LGUs) sa fourth at fifth districts ng Negros Occidental na winasak ng Bagyong Tino.

“Allocated from the Presidential Assistance Fund are P10 million each for La Carlota City, La Castellana, and Moises Padilla, and P5 million each for Binalbagan, Isabela, and Hinigaran,” ayon kay Gov. Eugenio Jose Lacson.

Ipinagbigay-alam ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco kay Lacson ang P45-milyong piso na alokasyon sa naging pagbisita ng una sa Negros Occidental sa ngalan ng Pangulo.

Nauna rito, sinabi ni Lacson na naglaan na ang Malakanyang ng karagdagang P50 million sa Negros Occidental provincial government para sa typhoon relief response.

“The Department of Health has also provided P196,000 worth of medicines for leptospirosis and hypertension, as well as vitamins and jerrycans for safe water storage in the affected areas,” aniya pa rin.

“Meanwhile, the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) is providing 100 shelter-grade tarpaulins sourced from the International Organization for Migration and USAID, ” ang sinabi pa rin ni Lacson.

Sa naging pagbisita ni Frasco sa Moises Padilla, inanunsyo nito ang alokasyon na P10 million na agarang tulong para sa recovery ng bayan.

Kapuwa naman in-inspeksyon nina Frasco at Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang Jose Pepito Montilla Garcia National High School, kung saan may ilang silid-aralan ang nagtamo ng matinding pinsala mula sa malakas na hangin at pagbaha.

Para matulungan ang paaralan na magpatuloy ang operasyon at tiyakin na magpapatuloy ang pag-aaral, tinurn over ng Department of Education ang laptop units at isang Starlink internet device para palakasin ang digital connectivity at suportahan ang blended learning para sa mga guro at estudyante.

Sa Moises Padilla Elementary School, kasalukuyang nagsisilbi bilang temporary evacuation center, pinangunahan nina Frasco at Angara ang ceremonial distribution ng mahahalagang relief items mula Department of Social Welfare and Development.

Sa kabilang dako, nakatanggap naman ang LGU ng 100 jerrycans at isang kahon ng assorted medicines mula sa DOH, at maging 25 shelter-grade tarpaulins mula sa DHSUD.

Samantala, binrief (briefed) naman ni Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo ang mga Cabinet secretaries at regional agency heads sa municipal hall ukol sa post-disaster situation ng bayan at mga requirements.

Ang mga natukoy na pangangailangan ay kinabibilangan ng pagbabalik sa water supply, pagkukumpuni ng imprastraktura at pagbibigay ng pabahay para sa displaced families.

Nagtapos naman ang pagbisita ng mga opisyal sa pag-inspeksyon sa riverside area ng Barangay Poblacion, isa sa itinuturing na ‘most severely flood-affected communities’ sa Moises Padilla. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here