Home NATIONWIDE Mga nasiraan ng bahay, prayoridad sa emergency cash aid ng DSWD

Mga nasiraan ng bahay, prayoridad sa emergency cash aid ng DSWD

328
0

MANILA, Philippines – Isasaprayoridad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga pamilya na nasiraan ng bahay, bahagya man o tuluyan, ng Super Typhoon Uwan.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kanyang pagbisita sa Aurora nitong Miyerkules, hinihikayat niya ang lokal na pamahalaan na maingat na tasahin ang pinsala sa mga bahay upang matiyak ang tamang tulong mula sa gobyerno.

“Si Pangulo laging very particular doon sa cash assistance. Hindi lahat ng gamit ng tao na kailangan ay matatagpuan sa relief packs. So, we have to start talking about cash assistance,” sabi ni Gatchalian.

Itatalaga ng mga social worker mula sa MSWDO ang halaga ng tulong: ₱10,000 para sa tuluyang nasirang bahay at ₱5,000 para sa bahagyang nasira. Ito ay paunang tulong lamang at maaaring madagdagan sa ibang programa ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng mabilis na aksyon: “Pauna lang ito. Ang mahalaga, gumagalaw tayo kaysa maghintay nang matagal ang mga tao,” ani Gatchalian. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here