Home ENTERTAINMENT Darren at Cassy, spotted na magkasama, bati na?

Darren at Cassy, spotted na magkasama, bati na?

381
0

Manila, Philippines – Sighted na namang magkasama sa isang ganap sina Darren Espanto at Cassy Legaspi.

For some time, matagal din kasing hindi sila nakitang magkasama.

Ito ay pagkatapos na i-ship si Darren sa co-host nitong si Jackie Gonzaga sa kanilang noontime show.

Sa kaso naman ni Cassy, natsika noon na may namumuong romansa sa kanila ng dating PBB housemate na si Michael Sager bago pa man ito pumasok sa Bahay ni Kuya.

Katunayan, sinabi pa nga noon ni Michael sa isang panayam na answered prayer para sa kanya si Cassy.

May mga nagmamaldita ngang nagtataka kung ano na ang nangyari sa kanilang espesyal na relasyon.

Speaking of Darren, may mga haka-hakang nagkatampuhan sila ng friend na si Cassy.

Hindi na rin kasi nagpapadala ng flowers si Darren kay Cassy, except noong kasagsagan na nali-link sila sa isa’t isa.

Sa sighting naman recently na reunited sila, ito ang mga hirit ng kibitzers:

“Uy, bati na sila.”
“Hindi naman LQ quarrel iyan dahil hindi naman naging sila.”
“Nagselos kasi kay Jackie.”
“Hanggang pa-ship lang naman si Darren. Never namang naging sila ni Cassy at Jackie.”
“Kaloka. Sobra namang user-friendly.”
“Di ba na-hurt si teh nang itanggi ni Michael.”
“Malay mo, sila pala ni Darren ang itinadhana.”

/ Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here