Home NATIONWIDE Piso bumagsak sa bagong record-low na P59.17 vs dolyar

Piso bumagsak sa bagong record-low na P59.17 vs dolyar

378
0

MANILA, Philippines – Humina pa lalo ang Philippine peso nitong Miyerkules, nagtala ng bagong record-low na ₱59.17 sa bawat $1, kasunod ng ikalawang araw ng pagbaba. Ang dating rekord na ₱59.13 ay naitala noong Oktubre 28, 2025.

Ayon kay Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp., dulot ito ng political uncertainty at paglakas ng dolyar ng Amerika.

“The US dollar/peso exchange rate went up slightly for the second straight trading day… the highest closing rate ever… after some political noise recently,” ani Ricafort.

Kasabay ng pagbaba ng piso, inihayag ng Malacañang na iniimbestigahan ng militar ang ulat ng umano’y destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang post ng beteranong mamamahayag na si Mon Tulfo.

Naniniwala si Ricafort na maaaring tumaas muli ang piso sa mga susunod na linggo sa simula ng holiday season at dahil sa remitans mula sa mga overseas Filipino.

Iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hinahayaan nitong tukuyin ng merkado ang palitan, habang nananatili ang matatag na reserba upang pamahalaan ang mga pagtaas at pagbaba na maaaring makaapekto sa inflation. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here