MANILA, Philippines – Nagbabala si Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkules laban sa anumang destabilization efforts sa darating na tatlong araw na Iglesia ni Cristo (INC) rally sa Rizal Park mula Nobyembre 16 hanggang 18, na inaasahang dadaluhan ng higit 300,000 katao kada araw.
Ayon kay Remulla, itinuturing na “no man’s land” ang mga lugar sa paligid ng Mendiola at Malacañang at maaaring arestuhin ang sinumang pumasok nang walang permit.
“As early as now, I’m telling all who are planning destabilization, when we’re on red alert like this, the Mendiola area and the areas around Malacañang, that’s no man’s land,” ani Remulla sa isang interbyu sa radyo.
“If you get into a formation there without a permit and you charge forward, we will arrest you. We will do whatever it takes to stabilize the country. That’s why, as early as now, I’m warning them, stay away from these places,” giit pa niya.
Kasabay nito, magkakaroon din ng protesta ang United People’s Initiative sa People Power Monument sa Quezon City.
Ipinahayag ng pulisya na higit 16,000 opisyal ang ide-deploy sa Maynila, kabilang ang Malacañang, Senado, Kamara, at Independent Commission for Infrastructure, upang matiyak ang seguridad sa mga rally.
Ang nakaraang protesta noong Setyembre 21 laban sa korapsyon, na nauwi sa karahasan sa Mendiola Peace Arch at Ayala Bridge, ay nagresulta sa higit 200 arestado at hindi bababa sa dalawang nasawi. Santi Celario