Home NATIONWIDE BIR, may bagong hepe

BIR, may bagong hepe

280
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Finance Undersecretary Charlito Mendoza bilang bagong commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), pumalit kay Romeo Lumagui Jr., ayon sa Presidential Communications Office nitong Miyerkules.

Umalis si Lumagui sa BIR ilang buwan matapos malampasan ng ahensya ang target sa koleksyon sa unang kalahati ng 2025.

Mula Enero hanggang Hunyo, nakalikom ang BIR ng ₱1.554 trillion, higit sa target ng ₱4.594 billion, may taunang paglago na 14.11% (₱192.143 billion), at umabot sa higit 48% ng full-year target na ₱3.232 trillion.

Sa ilalim ni Lumagui, nagsampa ang BIR ng kasong tax evasion sa DOJ laban sa dating DPWH engineers na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza, na may kinalaman sa higit ₱1.6 billion na kakulangan sa buwis na umano’y mula sa kickbacks sa flood control projects na allegedly nilabasan sa casino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here