Home HOME BANNER STORY Rep. Barzaga kinasuhan ng sedisyon at rebelyon kaugnay ng Sept. 21 rally

Rep. Barzaga kinasuhan ng sedisyon at rebelyon kaugnay ng Sept. 21 rally

276
0

MANILA, Philippines – Nahaharap si Cavite Rep. Kiko Barzaga sa mga kasong Inciting to Sedition at Inciting to Rebellion na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ayon sa Facebook post ng unang-termong kongresista.

Inatasan siya ng Quezon City Office of the City Prosecutor na personal na humarap sa preliminary investigation sa Nobyembre 17 at 25 upang matukoy kung isasampa ang kaso sa korte.

Hindi nakasaad sa subpoena ang batayan ng reklamo, ngunit kinumpirma ng Department of Justice na lehitimo ang pag-file ng kaso.

Ayon kay Police Maj. Gen. Robert Morico II, direktor ng CIDG, may kaugnayan ang reklamo sa “violent incidents which occurred in Mendiola and Recto, Manila on September 21, 2025,” ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye dahil nasa preliminary investigation pa ang kaso.

Pinatutsadahan naman ni Barzaga ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang post at sinabi: “How many people have your father killed or imprisoned before he was removed from power? This will not stop us, this will only make the revolution stronger!”

Noong Oktubre, nanawagan si Barzaga sa publiko na magtipon sa isang subdivision sa Makati upang umano’y salakayin ang mga tahanan ng ilang kilalang politiko.

Tinukoy ng mga aktibista ang kanyang ginawa bilang “clout chasing” na nakaka-distract sa tunay na laban kontra korapsyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here