Home HOME BANNER STORY 11 na lang natira sa 745 puno sa Monterrazas de Cebu –...

11 na lang natira sa 745 puno sa Monterrazas de Cebu – DENR

483
0

MANILA, Philippines – Natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang malalaking paglabag sa kalikasan sa Monterrazas de Cebu hillside development kabilang rito ang iligal na pagputol ng higit 700 puno.

Ayon kay Assistant Regional Director Eddie Llanedo, 11 na lang sa 745 puno noong 2022 ang natira, na lumalabag sa Forestry Code.

Nabigo rin ang proyekto na sumunod sa Clean Water Act, Environmental Impact Statement System, at sa 10 sa 33 kondisyon ng kanilang Environmental Compliance Certificate (ECC).

Napinsala o puno ng silt ang ilang detention ponds na nakalaan para sa stormwater runoff, na nagpalala ng pagbaha sa mga kalapit na komunidad.

“These conditions contributed to the flooding experienced downslope,” ani Llanedo.

Naglabas ang Environmental Management Bureau ng notice of violation at stoppage order noong Nob. 10.

Bawat paglabag sa ECC ay may P50,000 na multa, bukod pa sa posibleng legal na kaso laban sa developer.

Sinusuri rin ng DENR ang iba pang proyekto para sa kaparehong paglabag. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here