Home NATIONWIDE Puno kay Barzaga: Buti dinemenda ng CIDG

Puno kay Barzaga: Buti dinemenda ng CIDG

294
0

Binanggit ni House Deputy Speaker Ronaldo “Ronnie” Puno ang umano’y “history of violence” ni Cavite 4th district Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, kasunod ng kaso ng inciting to sedition at rebellion na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group laban sa kanya.

Ayon kay Puno, may mga insidente ng karahasan si Barzaga mula pa sa eskwela, kabilang ang umano’y pagtutok ng baril at kutsilyo sa iba.

“So siguro mabuti na rin dinemanda siya ng CIDG kasi baka akala niya nakakatawa yun, di ba? Para madala naman siya na hindi tama yung tututok ka ng kahit ano sa ibang tao,” ani Puno.

Idinagdag ng deputy speaker na siya rin ang nag-file ng ethics complaint laban sa 27-anyos na kongresista, na may susunod na pagdinig sa Nobyembre 17.

Tumugon si Barzaga sa social media ngunit iniiwasan ang mga paratang ni Puno at binanggit ang libo-libong namatay noong panahon ni Marcos, na nakakuha ng mas mababang interaksyon kaysa sa kanyang karaniwang posts. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here