Home NATIONWIDE Resolusyon sa 5 kaso ng flood control mess, ilalabas bago mag pasko...

Resolusyon sa 5 kaso ng flood control mess, ilalabas bago mag pasko – DOJ

351
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na matatapos ang kanilang imbestigasyon sa limang kaso ng maanomalyang flood control projects sa kalagitnaan ng Disyembre.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, binigyan ng 10 araw ang mga dawit para maghain ng counter-affidavit.

Ngayong araw sa unang preliminary investigation, sinabi ni  Martinez na walang nangyaring filing ng counter-affidavit.

Sa halip, kinuha lamang aniya ng mga abogado ng respondents ang kopya ng mga reklamo laban sa kanilang mga kliyente.

Ayon kay Atty. Martinez, itinakda sa November 24 ang susunod na Preliminary Investigation kung saan dito na inaasahang ihahain ang mga kontra salaysay.

Kabilang sa mga inirereklamo ang tinaguriang BGC Boys na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza na mga dating district engineers ng Department of Public Works and Highways.

Sinabi naman ni Martinez na target nilang matapos ang pagdinig at magkakaroon na ng resolusyon bago mag-Pasko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here