Home METRO Lolo nanghalay ng menor-de-edad, swak sa kulungan

Lolo nanghalay ng menor-de-edad, swak sa kulungan

278
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Swak sa selda ang isang 70-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panghahalay sa isang menor-de-edad matapos itong matugis ng pulisya sa  Caloocan City.

Ang pagkakaaresto sa akusadong nakilala sa alyas na “Lolo Kanor” ay nag-ugat makaraang matunton ang kinaroroonan nito.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Presiding Judge ng Caloocan City Regional Trail Court (RTC) Branch 131 para sa kasong Sexual Assault under Article 266-A (2) in relation to Section 5 (b) ng R.A 7610 na inisyu noong Oktubre 16, 2025, nadakip ang suspek dakong alas-4:15 ng hapon sa tinutuluyan nito sa PNR Compound, Samson Road, Barangay 80.

May inirekomendang piyansa na halagang P180,000.00 para sa pansamantalang paglaya ni Lolo Kanor.

Matapos nito, dinala ang akusado sa Caloocan City Medical Center (CCMC) para sa medical and physical examination bago tinurned over sa custodial facility unit ng IDMS-WSS ng Caloocan Police kung saan siya pansamantalang ikukulong habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here