Home ENTERTAINMENT Prenup photo ni Kiray, binarag!

Prenup photo ni Kiray, binarag!

301
0

Osaka, Japan – Hindi na makikita ang pre-nup photo ni Kiray Celis at nobyong si Stephan Estopia na kuha sa Japan.

Partikular na inalmahan ng ating mga kababayang either nagtatrabaho sa Japan o naninirahan doon ang larawan kung saan nasa ibabaw ng isang vending machine ang komedyana.

Ang kuha na ‘yon sa Dotonbori District sa Osaka ay burado na sa Instagram where Kiray posted a few days back.

Ayon sa ating mga kababayan, okey lang daw kung may permiso ang pag-pose na ‘yon ni Kiray.

Pero kung wala’y isang nakakahiyang repleksyon daw ‘yon para sa mga Pinoy sa Japan na sumusunod sa mga umiiral na batas o patakaraan doon.

Mahigpit kasi ang Japan lalo na sa mga banyaga o turista dahil sa ipinatutpad nilang pulisiya.

Ang ginawa raw ni Kiray ay maliwanag na paglabag sa kultura at tradisyong iniingatan ng mga Hapones.

Bago tuluyang burahin ni Kiray sa IG ang narurang larawan ay nai-screen shot na ito.

Hinutok ng ating mga kababayang matagal nang nasa Japan, kung sila nga’y nagpapakita ng paggalang sa foreign authority pero sisirain lang daw pala ni Kiray alang-alang sa pre-nup shoot ng mapapangasawa niya?

Sa ngayon, inaantabayanan ang sagot ni Kiray na dapat lang sisihin dahil sa kanyang kagagawan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here