Home METRO 911 ng PNP nakapagtala ng 143K tawag mula Setyembre

911 ng PNP nakapagtala ng 143K tawag mula Setyembre

297
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang unified 911 system ng Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 143,463 na tawag mula Setyembre 11 hanggang Nobyembre 9, 2025, na malinaw na tagapagpahiwatig ng lumalagong tiwala ng publiko sa central emergency hotline ng gobyerno.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng PNP na sa bilang na ito, 28,423 ang lehitimong tawag na nag-udyok ng agarang pagresponde ng pulisya, habang 22,541 ang kumpirmadong prank call.

Nakadokumento sa sistema ang 1,941 insidente ng sunog, 8,058 tawag sa tulong medikal, at 82,500 iba pang mga tawag na binubuo ng mga alalahanin sa kaligtasan ng publiko, pakikipag-ugnayan sa ibang mga ahensya, at hindi pang-emergency na mga katanungan.

Naitala rin ang mahigit sa 7,200 na report ukol sa kaguluhan sa publiko at 7,300 krimen.

Sa average na oras ng pagtugon na 4.28 minuto lamang, sinabi ng PNP na ang unified 911 system ay patuloy na nagpapahusay sa kapasidad ng PNP na tumugon nang mabilis, magligtas ng mga buhay, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

“This system shows that with dedication and innovation, we can make the Philippines safer for everyone. Legitimate calls far outnumber prank calls, a sign that more Filipinos rely on unified 911 with confidence,” ayon kay acting Chief PNP Lt. Gen Jose Melencio Nartatez Jr.

Sinabi ni Nartatez na ang mabisang synergy sa pagitan ng unified 911 operators, local responders, at Sto. Tomas Component City Police Station ay nagpapakita kung paano makapagliligtas ng mga buhay ang pinagsamang sistemang pang-emerhensiya.

“When citizens use unified 911 to report incidents, they become part of the life-saving process, as this success shows how technology, teamwork, and trust can protect lives and strengthen the bond between the police and the community,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here