Home METRO Text hijacking ibinabala ng BSP

Text hijacking ibinabala ng BSP

265
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes ang publiko na huwag mag-click sa mga link na ipinadala sa pamamagitan ng text messages na nagsasabing mula sa mga bangko, dahil patuloy itong nakakatanggap ng mga ulat ng text hijacking ngayong papalapit na kapaskuhan.

Sa isang advisory, sinabi ng BSP na ang mga bangko ay hindi nagpapadala ng mga text message at email na may clickable links sa kanilang mga customer, alinsunod sa isang memorandum na inilabas noong Marso 2022.

“The BSP continues to receive reports of fraudulent text messages that appear to come from legitimate financial institutions,” nakasaad sa advisory.

“These messages often contain malicious links designed to steal access to victims’ financial accounts and are usually accompanied by urgent prompts such as notifications of expiring rewards, unauthorized transactions, or account verification requests to pressure recipients into clicking the link,” dagdag nito.

Nanawagan din ito sa publiko na paganahin ang multi-factor authentication para ma-secure ang mga account, iwasang magbahagi ng mga personal o pinansyal na detalye sa sinuman, at makipag-ugnayan sa kanilang mga bangko o e-money issuer sakaling makompromiso ang kanilang mga account. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here