Home ENTERTAINMENT Gerald, may hinahabol na share kay Ai Ai?

Gerald, may hinahabol na share kay Ai Ai?

283
0

Manila, Philippines – Totoo nga bang Ai Ai de las Alas’ estranged husband Gerald Sibayan is currently in town?

Nandito ba si Gerald mainly because na-revoke o ipina-revoke na ni Ai Ai ang US application for citizenship nito?

laapela ba niya ito kay Ai Ai to the point na magmakaawa siya?

Balita kasing natanggap na daw ni Gerald that there’s no way can he become a US citizen.

Iba raw ang pakay sa kanyang pagdating dito sa bansa.

Gaano katotoo na naghahabol umano si Gerald ng kanyang share sa conjugal property nila ng komedyana?

As far daw as Gerald’s camp is concerned ay meron itong dapat habulin, dahil it’s not solely Ai Ai’s money ang ipinuhunan doon.

Ito ba ‘yung bakery business nila which is famous for its ube-cheese pandesal named Martina?

Matatandaang malaki rin ang hirap ni Gerald sa pag-aasikaso ng negosyo nilang ito noong nasa US most of the time si Ai Ai.

Hindi nga ba’t labis pa ngang ikinagulat at ikinatuwa ni Ai Ai, na noong umuwi rito’y pinaganda ni Gerald ang kanilang tirahan?

Na anywhere you looked around the house ay pink ang dominant color ng mga gamit sa bahay nila?

Sinorpresa nga ni Gerald si Ai Ai who had their house beatifully dolled up mula sa kinita ng kanilang bakery products.

‘Yun bang share nito ang hinahabol ni Gerald?

Ang tanong–if so, willing ba naman si Ai Ai na ambunan ng grasya ang dati niyang dyowa? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here