Home ENTERTAINMENT Jose, binanatan ni Anjo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jose, binanatan ni Anjo!November 16, 2025 11:012880 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Obyus na iniisa-isa ni Anjo Yllana ang mga dating nakasama sa Eat Bulaga.Sa pagkakataong ito’y tinukoy naman ni Anjo si Jose Manalo na malaki ang atraso sa kanya.Una, ideya daw ni Jose na palitan ang lyrics ng Bakit Papa? ng Sex Bomb changing the mention of his name to “Jose Manalo.”Buong akala raw ni Jose’y ikaiinis ‘yon ni Anjo, pero bagkus ay natawa pa siya.Pinaratangan din ni Anjo si Jose na ubod nang yabang.May pagkakataon nga daw noon na ngani-ngani niyang sapakin ito.Pero ang pinakamatinding akusasyon ni Anjo kay Jose ay ang umano’y pang-aahas nito sa noo’y nobya niya at asawa na nito ngayon na si Mergene Maranan.Ayon sa kuwento ni Anjo, kinagalitan daw ni Jose si Mergene para sitahin kung bakit kumakabit sa una gayong may asawa ito.That time, hiwalay na daw si Anjo sa karelasyon nito at isang taon na niyang ka-live in si Mergene.Maiisip lang–sino pa kaya sa mga dating naging co-host ni Anjo sa EB ang titirahin niya?Ano nga ba ang motibo ni Anjo sa mga pinaggagawa niya lately–nauna niyang banatan si Senator Tito Sotto at ngayon nama’y si Jose Manalo?Hindi na kataka-taka kung isa sa mga araw na ito’y maging si Ryza Mae Dizon ay “pagtripan” na rin ni Anjo!‘Kaloka ka, Anjo Yllana! Ronnie Carrasco III