Home NATIONWIDE ‘Tsismis’ ng kanyang pagbibitiw, pagsibak ni PBBM itinanggi ni Bersamin

‘Tsismis’ ng kanyang pagbibitiw, pagsibak ni PBBM itinanggi ni Bersamin

330
0

MANILA, Philippines – “Not true until it actually happens.”

Ito ang tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin bilang pagtanggi sa tsismis na nakatakda na siyang magbitiw sa kanyang tungkulin o papalitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“I don’t know how the speculation started,” ang sinabi ni Bersamin sa isang panayam mataos umugong ang muling balasahan sa gabinete ni Pangulong Marcos.

Sa isang programa ng ilang grupo na nananawagan kay Pangulong Marcos na magbitiw sa puwesto sa Edsa Shrine, araw ng Linggo, ipinahayag ni Duterte supporter at serial Red-tagged Jeffrey “Ka Eric” Celis na kailangan din na bumaba sa puwesto si Bersamin.

“We hope it’s not fake news because Bersamin will resign today—as he should,” ani Celis.

Ang grupo ni Celis ay kasama sa nag-rally na inorganisa ng United People’s Initiative (UPI) at the People Power Monument sa Quezon City.

Sa ulat, sinasabing nakakasa ang Cabinet revamp sa ilalim ni Pangulong President Marcos kung saan makikita na papalitan Finance Secretary Ralph Recto si Bersamin.

Samantala, sinasabing si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go ang papalit naman kay Recto. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here