Home METRO Pagawaan ng paputok sa Dagupan sumabog, 2 sugatan

Pagawaan ng paputok sa Dagupan sumabog, 2 sugatan

306
0

DAGUPAN CITY, Philippines – Dalawang katao ang sugatan matapos sumabog ang pagawaan ng mga paputok, nitong Linggo sa lungsod na ito.

Nilapatan ng lunas sa ospital ang mga sugatan na hindi pinangalanan matapos dalhin ng mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at mga rescue units upang apulahin ang apoy at ilikas ang mga residente.

Batay sa report, bandang 3:00 PM nitong Linggo Nobyembre 16, naganap ang pagsabog sa Barangay Tebeng.

Sa lakas ng pagsabog, nabasag ang mga bintana at ilaw sa ilang kalapit na bahay sa naturang barangay.

Sa isang Facebook Live, sinabi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na tiniyak ng pulisya ang isang masusing imbestigasyon sa insidente, iginiit niyang ipinagbabawal ng lungsod ang pagtatayo ng pabrika ng paputok sa mga mataong lugar tulad ng Barangay Tebeng.

Ani pa ng alkalde, buhay ng mga residente ang nakataya kaya’t kailangan ang “1000%” strict enforcement upang tuluyang mahinto ang operasyon ng mga iligal na manufacturer. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here