MANILA, Philippines – OPISYAL na nanumpa para sa kanyang bagong posisyon si Department of Justice (DoJ) Acting Secretary Fredderick Vida sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 17 sa Palasyo ng Malakanyang.
Tanda ito ng ‘full assumption’ ni VIda sa top post ng DoJ.
Matatandaang, unang itinalaga si Vida bilang officer-in-charge, ngayon ay pormal na uupo bilang kapalit ni dating Justice Secretary Crispin Remulla, na itinalaga bilang Ombudsman nito lamang Oktubre.
Dati siyang nagsilbi bilang three-term mayor ng Mendez, Cavite, mula 2013 hanggang 2022.
Ang pagkakatalaga kay Vida ay bunsod ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng DOJ sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at iba pang investigative bodies na inatasan na suriing mabuti ang di umano’y anomalya sa public works spending, kabilang na ang flood control projects. Kris Jose