Home NATIONWIDE Dy kay Co: Bidyo ‘di sapat, ebidensya dapat

Dy kay Co: Bidyo ‘di sapat, ebidensya dapat

266
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Martes kay dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co na bumalik sa Pilipinas at harapin ang imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa flood control projects.

Ito ay kasunod ng video ni Co na nag-aakusa ng pagkamkam ng bilyon sa pondo ng gobyerno nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, na parehong itinanggi ang alegasyon.

“Hindi sapat ang video mula sa ibang bansa. Kapag mabigat ang paratang, dapat mas mabigat din ang paninindigan. Kailangan niyang humarap, manumpa, at magharap ng ebidensiya sa mga awtoridad tulad ng [Independent Commission for Infrastructure],” ani Dy.

Nag-alok din siya ng koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno para sa seguridad ni Co habang nagbibigay ng testimonya.

Binigyang-diin ng Speaker ang pag-iwas ni Co sa harapang paglilinaw, na ayon sa kanya ay nagdudulot lamang ng pagkalito sa publiko.

“Ito ang malinaw na pagkakaiba: habang ang iba ay harapang nagbigay-linaw, si dating Rep. Co ay umiwas. Sa halip na makatulong sa paglilinaw, mas lalo niyang dinaragdagan ang pagkalito ng publiko,” ani Dy.

Hinimok ni Dy si Co na umuwi at harapin ang taumbayan bilang bahagi ng transparency at pananagutan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here