Home NATIONWIDE Napapanahong pagpapasa sa 2026 nat’l budget tiniyak ng Malakanyang

Napapanahong pagpapasa sa 2026 nat’l budget tiniyak ng Malakanyang

328
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na maipapasa ang 2026 national budget sa tamang oras sa gitna ng kamakailan lamang na paggalaw sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang economic managers ng gobyerno ay nagta-trabaho na maipasa ang budget para sa susunod na taon sa kabila ng pag-uga sa loob ng Gabinete.

“There will be. They are working on that,” ayon kay Castro.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ang Senado ng plenary debates hinggil sa 2026 national budget, habang naipasa na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bersyon nito ng third at final reading sa unang bahagi ng taon.

Sa mga nakalipas na taon, kadalasang ipinadadala ang General Appropriations Bill sa Pangulo para sa kanyang approval bago matapos ang taon, para bigyan ng sapat na panahon ang Pangulo na suriing mabuti at gawing batas ito.

Ang pahayag na ito ni Castro ay matapos niyang ianunsyo na tinanggap na ng Pangulo ang pagbibitiw sa puwesto ni Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman ‘out of delicadeza’ matapos na mabanggit ang kanilang mga pangalan sa flood control scandal.

Ani Castro, ang voluntary resignation na ginawa nina Bersamin at Pangandaman ay naglalayon lamang na bigyan ng pagkakataon ang pamahalaan na magsagawa ng impartial investigation ng mga alegasyon.

Si Finance Secretary Ralph Recto ang pumalit kay Bersamin, habang si Frederick Go, Special Adviser to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA), ang siya namang mamumuno sa Department of Finance DOF).

Pinangalanan naman si Budget Undersecretary Rolando Toledo bilang officer-in-charge ng Department of Budget and Management (DBM).

“It may be an issue but we were able to talk to Sec. Go and according to him, any reassignments of the Cabinet members to DOF and DBM, they are the same people who worked in the budget and the finance, so there will be no problem with that,” ang sinabi ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here