Home ENTERTAINMENT Anak ni Pacman, artista na!

Anak ni Pacman, artista na!

404
0

Manila, Philippines – Isa nang ganap na GMA Sparkle artist si Eman Pacquiao!

Isa sa mga araw na ito’y posibleng mapadalas ang TV guestings ng isa sa mga anak ng Pambansang Kamao na sumusunod sa yapak ng kanyang ama.

Si Eman, 21, anak ni Manny Pacquiao kay Joanna Rose Bacosa.

Bukas din si Eman sa mga alok na mag-endorso ng mga produkto hangga’t aligned daw ito sa kanyang Christian values at may hatid na positivity.

Pero prayoridad pa rin daw ni Eman ang larangan ng boksing.

Patunay lang ito ng sobrang kasikatang tinatamasa ngayon ni Eman.

Marami nga ang nagsasabing nakakahawig siya kay Piolo Pascual.

Kung sakaling magkakaroon ng proyekto para kina Piolo at Eman ay puwede nga silang lumabas bilang magkuya.

Ang nakakabilib kay Eman–buong puso niyang iniaalay ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya.

“Family is love,” anang post niya.

Bukod sa pagpapahalaga sa pamilya’y napakataas din ng paggalang ni Eman sa kanyang mga magulang.

Sa ‘yo, Eman, bukas ang pintuan ng showbiz…the best of luck! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here