Home NATIONWIDE DA-PhilFIDA, DOLE sanib-pwersa sa rehabilitasyon ng abaca industry sa Bicol na sinapul...

DA-PhilFIDA, DOLE sanib-pwersa sa rehabilitasyon ng abaca industry sa Bicol na sinapul ni Uwan

264
0

MANILA, Philippines- Nakipag-ugnayan ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), sa Department of Labor and Employment (DOLE) para pabilisin ang rehabilitasyon ng abaca industry sa Bicol kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Sa kalatas nitong Miyerkules, Nobyembre 19, sinabi ng DA-PhilFIDA na ang hagupit ni Uwan “devastated what has long been Bicol’s second agricultural lifeline after coconut.”

Umabot sa 1,402 ektarya ng taniman ang bahagyang napinsala, 18,097 ektarya ang moderately damaged, at 35,699 ektarya ang heavily damaged sa limang abaca-producing provinces ng rehiyon.

Sa kabuuan, nasa 7,492.90 metric tons ng fiber na nagkakahalaga ng mahigit P38 milyon ang sinira ng bagyo.

“Bicol is the country’s abaca powerhouse—the region that introduced Manila hemp to the world,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

“We owe it to our abaca farmers to help them recover quickly and rebuild stronger. Their resilience fuels rural economies, and we will stand with them every step of the way,” dagdag ni Tiu Laurel.

Noong nakaraang taon, nakapag-ambag ang Bicol ng 1/3 ng abaca output ng bansa, kung saan sa Catanduanes ay umabot sa 82% ang ambag nito, ayon sa DA-PhilFIDA.

Sinabi pa ng ahensya na 56,000 hectares ng abaca fields at 24,000 growers ang dumidepende rito para sa kanilang pangkabuhayan.

Para makaahon, pinagana ng PhilFIDA-DOLE ang Labor Incentive Program sa ilalim ng DOLE TUPAD cash-for-work scheme.

Lalahok sa paglinis ng mga debris, pag-trim ng mga nasirang tangkay, pagpapatibay sa mga nakatayong halaman, at pagtatanim sa mga nabunot na abaca ang nasa 23,619 magsasaka.

Sasailalim naman sa full replanting ang heavily affected na mga sakahan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here