Home HOME BANNER STORY Gina Lima ‘di namatay sa pambubugbog – QCPD

Gina Lima ‘di namatay sa pambubugbog – QCPD

329
0

MANILA, Philippines – Hindi namatay sa pambubugbog ang freelance model na si Gina Lima batay sa resulta ng autopsy, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkules, Nobyembre 19.

Sa press briefing, tinanong si QCPD spokesperson Police Major Jennifer Gannaban kung nangangahulugan ba na ang autopsy result ay nagpapakitang hindi namatay si Lima dahil sa pambubugbog.

“Yes po, parang ganun po ‘yung sinasabi nitong medical examination.”

Ani Gannaban, nakita sa findings ng autopsy ang “non-fatal external injuries.”

Bukod dito, nakita rin ang heart congestion at congested lungs sa katawan ng modelo.

“According po dito sa medico-legal certification, ang findings po ng autopsy is presence of non-fatal external injuries, presence of heart congestion and congested lungs. ‘Yun po ‘yung nakalagay,” pagbabahagi pa ni Gannaban.

Inaalam pa ang sanhi ng kamatayan ni Lima habang hinihintay ang resulta ng toxicology examination.

“Ibig sabihin, non-fatal, ‘yung mga nakita pong pasa doon sa hita niya is hindi po ‘yun fatal. So kailangan antayin din po natin ‘yung resulta ng toxicology examination para doon sa iba pang cause of death para makita po. Kasi dito nga po sa initial is hindi po fatal.”

“As to cause of death, ‘yung exact po na cause of death, it cannot be determined pending the toxicology result. So ‘yun pa po ‘yung hinihintay natin sa ngayon,” dagdag pa nito.

Ayon sa QCPD, narekober ang mga tableta at marijuana kush sa lugar ng insidente.

Noong Nobyembre 15, nag-inuman si Lima at ang ex-boyfriend nito sa condo unit ng biktima at nagtungo sa lugar ng dati nitong kasintahan sa kasunod na araw.

Bandang alas-12 ng tanghali ay natulog ang dalawa sa condo.

Pagsapit ng gabi ay nagising ang ex-boyfriend nito at napansin na hindi na gumagalaw si Lima. Dito na umano tinawagan ng lalaki ang kanyang ama para dalhin si Lima sa ospital kung saan idineklara itong dead on arrival.

Mabilis na kumalat ang usap-usapan online na binugbog umano ng ex-boyfriend nito ang biktima.

Ayon sa QCPD, sa kabila nito, ang ex-boyfriend ng biktima ay itinuturing lamang na saksi at hindi person of interest. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here