MANILA, Philippines – Nanawagan ang dating mambabatas kay Senador Panfilo Lacson na siyang Senate Blue Ribbon Commitee Chair na huwag masyadong nag-aabogado sa administrasyong Marcos.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras na dapat maging neutral ang Senador, manahimik at tumuon lamang sa kanyang trabaho at ang kanyang pahayag ay base lamang sa aktwal na testimonya ng mga testigo at ipinrisintang ebidensya.
Ang panawagan ni Paras ay kaugnay pa rin sa nangyayaring malawakang korapsyon sa bansa kung saan sinabi niya na imbes na bigyan ng halaga ang testimonya ng mga testigo ay tinitira pa ang kanilang kredibilidad.
“He should reforms himself at maging neutral and just keep quiet and stick to his work and base his statements on the actual testimonya ang evidence presented, rather than nakipagsapalaran ka–masyado kang haata na bata ka ni Marcos…Ping Lacson”, sabi pa ng dating mambabatas na siya ring dating Secretary of the President on Political Affairs noong panahon ng administrasyong Duterte.
Giit pa niya, ang pagbibitiw ng ilang kabinete ay malinaw na indikasyon na mayroong mali.
Aniya, maaaring wala nang mangyayari sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Comittee dahil palaging hinahatulan agad ni Lacson ang mga ipinatatawag na testigo.
Samantala, sinabi naman kay Atty. Manuelito Luna, dating Commissioner, Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na malakas na ebidensya ang mga isiniwalat ni Senator Imee Marcos laban sa kanyang kapatid at Pangulo ng bansa dahil siya ay kapamilya.
Panawagan nina Luna at Paras, na dapat magsakripisyo at bumaba na si Pangulong Marcos para sa sambayanang Pilipino tulad ng ginawa ng kanilang ama dahil ang higit na nagdurusa at magdurusa sa pagbagsak ng ekonomiya ay ang taumbayan.
“This is a serious matter. If they have delicadeza and urgency let it go–taumbayan ang importante.”
“If the resignation is the only way to subside, so be it. If the impeachment is the solution, so be it. If people power is the solution, so be it,” dagdag pa ni Atty. Luna. Jocelyn Tabangcura-Domenden