Home NATIONWIDE 7 ‘iligal’ na mamahaling sasakyan, narekober sa Bulacan

7 ‘iligal’ na mamahaling sasakyan, narekober sa Bulacan

274
0

MANILA, Philippines – Narekober ng pitong umano’y unregistered luxury cars sa Bulacan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen.

Natagpuan ang mga sasakyan na nakatambay ng halos dalawang oras sa isang gasolinahan sa Northern Luzon Expressway (NLEX) sa bayan ng Marilao.

Ayon kay PNP-HPG spokesperson Lt. Nadame Malang, gumagamit ang mga sasakyan ng improvised plates, at kakaharapin ng mga driver, na pawang mga negosyante, ang kasong paglabag sa Republic Act 4136 dahil sa pagmamaneho ng unregistered na sasakyan.

Ang mga kotse ay isinailalim sa Land Transportation Office (LTO) central office sa Quezon City.

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad kung konektado ang mga nakumpiskang sasakyan sa mga luxury cars ng pribadong kontraktor na mag-asawang Pacifico “Curlee” at Cezarah Rowena “Sarah” Discaya.

“Alam din naman natin na almost sa dami ng mga luxury cars na gamit ng Discayas ay halos hindi na makita doon sa area or bahay nila… Twelve yung ating na-validate at yung iba ay hinahanap pa together with our Customs and other agencies… baka yun nga din yung mga nakuha nating mga luxury cars,” ani Malang. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here