Home NATIONWIDE ASF Cases sa La Loma, QC, isolated case lang – DA

ASF Cases sa La Loma, QC, isolated case lang – DA

262
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na isolated lang ang mga kaso ng African swine fever (ASF) sa La Loma, Quezon City, matapos pansamantalang ipasara ang 14 lechon stores dahil may ilang baboy na positibo sa virus.

“Ang ASF ay sakit sa baboy, hindi sa tao,” paliwanag ng Department of Health (DOH), at idinagdag na ligtas pa ring kainin ang baboy basta ito ay luto nang husto.

Sinabi ni DA spokesperson Arnel de Mesa na sanhi ng outbreak ang overcrowding at mahinang bentilasyon sa ilang stock farm na lumabag sa pamantayan ng Bureau of Animal Industry.

Umabot lamang sa 121 barangay ang apektado sa ikatlong quarter ng 2025, bumaba mula sa 969 barangay noong 2024.

Pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga apektadong tindahan at inirekomenda ang pagpatay sa mga baboy na may ASF.

“We’re not allowed to sell [lechon],” ayon kay store owner Ramon Ferreros. “Kung magtatagal ito ng isa o dalawang linggo, malaking epekto sa industriya ng lechon… pero kailangan naming sumunod para maging ASF-free ang La Loma.”

Kinumpirma ng DOH na isinagawa na ang disinfection at checkpoints para kontrolin ang paggalaw ng baboy at maiwasan ang pagkalat ng sakit. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here