Home NATIONWIDE Plunder conspiracy case vs ex-undersecretaries Bersamin, Olaivar, Bernardo, pinag-aaralan ng Ombudsman

Plunder conspiracy case vs ex-undersecretaries Bersamin, Olaivar, Bernardo, pinag-aaralan ng Ombudsman

337
0

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Office of the Ombudsman ang posibleng kaso ng plunder conspiracy laban sa tatlong dating opisyal na konektado sa flood control corruption scandal.

Kasama rito sina resigned Undersecretaries Adrian Bersamin (Presidential Legislative Liaison Office) at Trygve Olaivar (Department of Education), at retired DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, “were working together in laundering money,” batay sa salaysay ni Bernardo na nag-aapply bilang state witness.

“Nakakapangilabot yung ganitong mga kwento pero I think it is believable,” dagdag ni Remulla, at ipinaliwanag na ang pera ay para sa public works at contractors, hindi sa personal na kapakinabangan.

Binanggit din ni Remulla ang dating hinala sa panghihimasok ni Bersamin sa DOJ prosecutor appointments at ang umano’y paggamit ng pangalan ni Pangulong Marcos Jr. para manipulahin ang opisyal, na kapareho ng sinasabi ni Senator Panfilo Lacson.

Naka-pending pa ang aplikasyon ni Bernardo bilang state witness, limitado lamang sa mga kasong tinitestiguhan niya. Iniulat na nag-alok siya na isauli ang ilang ill-gotten assets.

Patuloy din ang imbestigasyon kay Construction Workers Solidarity Party-list Rep. Edwin Gardiola, na inakusahan na kumita mula sa DPWH projects sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa opisyal at muling pagbebenta ng kontrata.

“Mas mabigat yan kasi forensic evidence ang kailangan kasi buy-and-sell of contracts, maraming wala sa pangalan niya,” ani Remulla. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here