Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon muling nagbuga ng abo

Bulkang Kanlaon muling nagbuga ng abo

280
0

MANILA, Philippines – Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 21, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa PHIVOLCS, ang ash emission ay nagsimula 7:12 ng umaga at natapos 7:20 ng umaga.

“This event generated grayish plumes that rose 75 meters above the crater before drifting to the west-southwest,” sinabi ng ahensya.

Naitala ang grayish plumes sa Kanlaon ng Kanlaon Volcano Observatory–Canlaon City (KVO-CC) IP Camera.

Nananatili naman ang Alert Level 2 na babala sa bulkan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here