Home ENTERTAINMENT Netizens, may hanash sa Robbie at Belle loveteam!

Netizens, may hanash sa Robbie at Belle loveteam!

262
0

Manila, Philippines – Si Robbie Jaworksi ang love interest ni Belle Mariano sa pelikulang “Meet, Greet and Bye” ng Star Cinema.

Katunayan, may mga nakapansin na may chemistry naman ang dalawa sa mga eksena nila.

Bilang baguhan, may mga nag-opinyon na konting push pa ay mahahasa rin naman sa acting ang anak nina Mikee Cojuangco at Dudut Jaworski na incidentally ay kasama rin sa seryeng “The Alibi” na pinagbibidahan ng KimPau.

Sa bago namang serye ni Donny ay walang Belle na kasama ang aktor so definitely ay maninibago rin siya lalo pa’t nasubukan na ang lakas ng werpa ng kanilang tandem sa kanilang mga proyekto.

Dahil sa development na ito, hirit ng kibitzers, si Robbie na raw ang ipinalit ni Belle kay Donny.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng netizens sa kanilang tandem.

“Parang bagay naman sila.”

“Robbie has the good genes of Mikee and Dudut. Sana lang mag-level up siya.”

“He is paired with Angelina Cruz sa The Alibi. Mas bagay siya roon dahil pareho silang newbie.”

“Para sa akin, Donny pa rin ako. Mas malakas naman ang sex appeal ni Donny.”

“So, siya na ang anointed ng management na pamalit ni Belle kay Donny.”

“Career move on DonBelle’s part na mag-explore outside of their loveteam.”

“Bagito pa siya. Hopefully, hindi siya bubuhatin ni Belle.”

“Looks and talentwise, mas angat pa rin si Donny.”

“May chemistry naman sila ni Belle but I think dapat mag-undergo pa siya ng rigid workshops para di siya masapawan ni Belle sa aktingan.”

“Pati sa hosting, medyo hilaw pa siya.“

“Another pretty face. Hope he’s loaded with talent.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here