Manila, Philippines – Iniisyu ng mga nagmamaldita ang pagdalo nina Pia Wurtzbach at Marian Rivera sa ginanap na holiday party ng isang pamosong brand kamakailan.
Siyempre, takaw-pansin ang ginawang pagrampa ng dalawa.
Join din sa ganap ang magaling na aktres na si Nadine Lustre.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang naturang sighting.
May mga nagmamarisol din na hinanap si Heart Evangelista na madalas ay nakikita sa nabanggit na event dahil fashionista naman talaga ang misis ni Sen. Chiz Escudero.
Ito ang ilang komento ng mga sawsawera at katikatera sa nasabing glitz and glamour event.
“Ang ganda pareho nina Pia at Marian.”
“Marian is giving the Barbie vibe while Pia is mala-Audrey Hepburn ang look.”
“Parang may na-miss ako. Nasaan si Heart.”
“May bagong bff si Marian. Hindi na si Heartie.”
“Sanib puwersa sina Marian at Pia. Pero bakit parang may napag-iwanan.”
“Hala, bakit absent si Ms. Heart.”
“After this, baka mas close na si Marian kay Pia. Hahaha.”
“Missing in action is Heartie.”
“Di ba siya imbitado?”
“Tulad ng sinabi niya sa PFW, it’s not the right time to be abroad with luxurious brands.” Archie Liao