Home HOME BANNER STORY LPA may malaking tyansang mabuo sa loob ng PAR – PAGASA

LPA may malaking tyansang mabuo sa loob ng PAR – PAGASA

365
0

MANILA, Philippines – Isang low pressure area (LPA) ang “highly likely” na mabuo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa mga susunod na araw na maaaring maka-apekto sa panahon simula bukas, Linggo, Nob. 23, 2025, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa isang forecast bulletin ng weather bureau nitong Biyernes ng hapon, isang tropical cyclone-like vortex (TCLV) ang namumuo sa timog-silangang bahagi ng PAR sa pagitan ng Nob. 21 hanggang 27.

Kung ang TCLV ay magiging isang tropical cyclone sa loob ng PAR, ito ay bibigyan ng lokal na pangalang Verbena.

Idinagdag ng PAGASA na ang TCLV ay maaaring tumawid sa bansa at lumabas sa West Philippine Sea sa linggo ng Nob. 28 hanggang Disyembre 4, kung saan maaaring mabuo ang pangalawang TCLV sa silangang bahagi ng monitoring domain ng state weather agency.

Gayunpaman, ang pangalawang TCLV ay may “low chance” na maging isang tropical cyclone, ayon sa PAGASA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here